-Nililinya ang trabaho kahit di nila linya at malayo sa pinag aralan, Pansinin mo. Engineer, Nurse, HRM, i.t., etc. Saan nagkita-kita. Dun sa "congher.." ( call center hehehe) kung ganun pala sana nag isang kurso na lang pala tayo lahat BSBA MAJOR in Call-Center.. Yung iba masaklap wala nang Choice san bagsak Fast-food, Waiter, Cashier, Bagger, Kahit di nila linya at malayo sa pinag aralan kung anu-ano na lang.. bahala na.. Basta kumita ng pera.
-relax ka lang.. Ako rin yan. hindi ako kontra sa mga yan dahil marangal na gawain yan dahil isa rin ako sa mga yan.. (hehehe) Minsan masakit ang katotohanan pero kailangan tanggapin dahil dito tayo lalaya. At magbubukas ang pinto ng bagong oportunidad at pagasa para sa atin..
-Pero kung maganda ang pinag kaka-abalahan mo GOOD FOR YOU.. Maswerte ka..
-Isa lang ang naisip ko.. Ang linya pala nating Lahat ay ang "kumita ng pera.."
-Pero may dalawang klase ng pera.. Isang MARAMI o MALAKI at KAUNTI o MALAKI na PERA..
-Balik tayo.. Naisip mo ba minsan trabaho ka ng trabaho pero parang walang nangyayari walang ipon (kung meron man isa ka sa mga mapalad na pilipino..) at edad lang ang nadadagdagan.. At pag dating ng araw hihintayin mo na lang ba na tumanda ka at mamatay na walang nangyari sayo. pinalipas at dinaanan mo lang ang mundo o buhay mo.. Ang mga pangarap mo sa pamilya mo naibigay mo naba o nanatiling pangarap pa din.. ! Sabi nga nila kung ang yaman namamana ang kahirapan namamana din.. Kaya pansin mo karamihan sa kapwa natin pilipino sarili nating bansa tayo ang mga hikahos at wala.. Panong namamana? -Dahil sa mga maling paniniwala na naipasa at tinuro sa atin.. Sorry to say pero oo.. Bigyan kita ng ilan sa mga halimbawa exciting toh..^^..
-Anak mag aral ka ng mabuti yan lang maipapamana namin sayo na hindi mananakaw.. !! Pamilyar? Tama naman yan.. Nag aral naman akong mabuti. Nagtapos nga ako eh naka hanap naman ng magandang trabaho. Nagkapusisyon nga ako eh.. Pero bakit ganun hirap pa rin. Acctually nananakaw sya di mo lang napapansin..
-Pano? Pinapakinabangan na ibang tao ang talino mo ang galing at lakas mo.. Pansin mo intsik di naman nakatapos karamihan jan.. Pero bakit mayayaman Ginawa nagtayo ng negosyo.. Lahat ng kakayahan na wala sa kanya kinuha sa ibang tao.. Pinakinabangan ang talino nila..
-Gawa tayo ng scenario.. Si pedro di tapos, si juan nagtapos. May honor pa.. Sila parehas gusto yumaman. tingin mo sino una yayaman..? Si pedro lakas ng loob ang pinanghahawakan si juan diploma at talino.. Eto na dahil sa gusto umasenso ni pedro at makuha mga pangarap nya. Dahil lakas lang ng loob ang hawak nya si pedro nilakasan ang loob nanghiram nang puhunan nagtayo ng restaurant.
-Eto na..Ngayon si pedro di marunong mag manage ng bisnes ginawa kinuha nya lahat ng kaibigan nya na Matalino at tapos. si juan ginawang manager tapos ng bisnes ad, di rin sya marunong magluto kinuha nya rin si tuning graduate ng hrm magaling magluto ginawang head chef, eh di rin sya marunong mag kwenta. kinuha si trining grad. ng accountancy. ginawang accountant. (magbibilang ng pera kahit kailan di magiging kanya hehehe joke3x ;-b ) kumuha na waiter, etc. tingin mo sinong yayaman..??Malamang sa alamang si pedro na madiskarte.. Na nag tayo ng negosyo. lahat ng kakayahang wala sa kanya kinuha nya sa iba. pinakinabangan nya sila.. Ngayon sa tingin mo sinong mas matalino??
-Marami kang maririnig na istorya na ganyan mga successful na tao pero di naman nakapag tapos madiskarte lang, malakas ang loob, may tiwala sa sarili. At mataas ang pangarap para sa sarili at pamilya..
-Si henry sy - dating sapatero.ngayon may ari ng S.M, bdo, smdc realty. Etc. -Si lucio tan - drop ng school nya FEU ngayon sya na ang may ari. Pati philippine airlines. Takatak boys din dati ng yosi ngayon sya may ari ng isa sa pinakamalaking supplier ng sigarilyo fortune tobacco. Etc.
-Steve Jobs- drop out ginamit ang talino at skills nya naitayo ang APPLE.
-Bill gates - di nakapagtapos, sya ang founder ng MICROSOFT. Isa sa mga
pinakamatalino nyang classmate kinuha nya ginawang empleyado programmer sa kumpanya nya..
-Mark Zuckerberg - Di nakapagtapos. Pinaka batang mayaman founder ng FACEBOOK. Inimbitahan ang iba nyang classmate para pag usapan yung pina plano nyang itatayong facebook. Hindi naniwala sa kanya. lahat nireject sya.. 2 lang ang naniwala sa kanya kaya yung 2 friends nya. na naniwala sa kanya. nakasabay sa pag yaman nya.. At marami pang iba ..
-Anong moral lesson wag na mag tapos.. (hahaha joke lang mag tapos ka yaman,) karangalan ng magulang natin yan.. advantage mo yan kasi may pinag aralan ka..di ka maloloko...ibig ko lng sabihin dapat ginagamit mo ang kakayahan mo at talino mo. para paunlarin, payamanin ang sarili mo di ang ibang tao..tama..!!
-May napanood nga ako dati ch. 7 show ni pacman. Yung babae di ko lang matandaan pangalan. may katandaan na rin. di rin nakapag aral dating nagtitindan ng kung anu ano lang ngayon nag isip ng idea gumawa ng sarili nyang produkto. ayun mayaman na ngayon.. At madami pang iba..Yun nga matanda nagawa ikaw pa kaya na masbata..
-Sam walton founder ng Walmart matanda na nung nag succeed eh..!! Anyway..highway...
-Minsan kasi pag sinabi natin aral naka focus tayo sa formal education lang..skwelahan lang.. nakalimutan natin.. Actually dalawa yan formal education at informal education.. O self education ..
-Gud example pacquiao. Di nakapag tapos. Pero mayaman anung pinag aralan para yumaman. Boxing informal education yun. Bakit may kurso ba na bachelor in science major in boxing.. Hehehe wala naman diba..pero un ang pinag aralan nya.. Madami pa pag inisa isa natin aabutin tayo ng bagong milenyo hahaha.. Search by your self.. Eto tingnan mo..masayaa toh..
-Minsan ba naisip mo na lahat ba ng naituro sayo sa school nagamit mo sa totoong buhay mo ..
- scenario ulit.. Hehe.. Kahit kailan ba natanong mo sa sarili mo kung saan at kailan mo nagamit sa totoong buhay o sa pang araw araw pamumuhay ang mga ibang turo sa school..?
-Example yung pinaka ayaw ko sa lahat.. Hehehe yung X+Y = ewan tapos di pa nakutento pinagulo pah nilagyan pa ng to the power of 2 carry 3 over 5 hahaha.. May open and close parentesis pa yun hahaha.. Saan mo nagamit sa totoong buhay yan.. Hahaha.. Mag astraunaut kaba hahaha..
-Meron pa kinabisado mo ang buhay ni crisostomo ibara hehehe.. ni minsan di mo pa naman nakita hahaha.. ay ambot .. Si nolve mo pa yung square root of 55. Pag di nasagot ibabagsak pa.. Kaya nangopya na lang.. San mo nagamit sa totoong buhay yan..hehehe... Anyway, highway.
-Ang talino at diploma Hindi mo pwedeng ipambayad yan pamalenge isang kilong bigas.. Bayad mo.? ah matalino po ako. O eto diploma ko hehehe..o eto pogi cute ako.. Batuhin ka ng sako nun.. Ang kailangan pa rin pera!!.. Hindi sapat ang talino at diploma lang advantage lang yun. may alam ka pero hindi assuranace yun sa pag asensong pinansyal, pag papayaman.
-Madami nga graduate ngayon hanggang ngayon walang trabaho. kaya gaya ng sabi ko kanina kung anu-ano na lang papasukin kahit hindi linya kumita lang. tama naman yun.. Walang mali dun..
-Pero ang tanong?. sulit ba ang paghihirap mo.? Ang effort mo, ang sipag at tyaga mo. worth it ba.?para sayo at sa pangarap para sa pamilya mo.? Baka hindi.. o hindi mo lang talaga pinapansin.. dahil natatakot ka..Anyway..! Thats the reality..!!
-May mga maling paniniwala at ugali kasi tayo na namana. Ano pang maling ugali
natin.. Nilimitahan natin ang sarili natin., ang isipan, ang pangarap natin ..kung tutuusin walang limitasyon yan.. Kaya lang naman tayo nag karoon ng ganyang ugali. namana natin yan sa mga ninuno natin. na itinanim sa kanila ng mga sumakop sa ating bansa at umalipin Sa atin.. Panung nilimitahan?
-Example..Anung sikat na kanta sa atin bata pa lang itinuturo na? Alam mo kung ano.. "Bahay kubo".. Pansinin mo.. Mga linya pa lang sablay na.. "Bahay kubo kahit munti ang halaman duon ay sari sari.. " Anung mali jan.. Yung "bahay kubo kahit munti" jan pa lang nilimitahan na ang isipan natin.. Pwede ka namang malaking bahay at magandang bahay.. Ginawa nilimitahan kaya pansinin mo andaming illegal settler, squatter sa atin eh yun yung narinig nila eh. nilagay sa utak sa isipan nila. namana inaplay sa totoong buhay.!! Ayun sablay.. Nakulong ang isipan.. Sa ibang mga maling kasabihan..
-Eto pa. Pag maikli ang kumot matutong mamaluktot.. Mali!!..inaplay din sa totong buhay..kaya yung iba sa atin kuntento na sa kung anung meron sila.. Tsk3. Hindi na gumawa ng aksyon at paraan sa sarili.. "na stuck ang utak di na gumawa ng paraan.. " Pwede naman gumawa ng paraan kuha ka ng tela, retaso pag dugtong dugtungin edi mas malaki na ang kumot nila.. O kuha ka ng bago mas malaki. Di lang sa kumot ah maraming aplikasyon yan. na sumasablay tayo jan..
-Meron pa nakakatuwa tong kasabihan na toh.. Huwag daw magwawalis sa gabi. malas daw..lalabas ang swerte.. Masama daw.. Eh kung lahat ng kalat ay swerte ipasok lahat sa bahay.. Hahaha.. Pati katamaran natin ginawan ng kwento at kasabihan.. Para di lang magawa ang mga gawain..bunga lang yun ng katamaran..!
-Eto pa isa.. Pag may nakasalubong daw na itim na pusa habang naglalakad ka wag na daw tumuloy sa lakad mo..! mamalasin daw.. Sabi ng iba wala naman daw masama o mawawala kung susundin.. Yung mga kasabihan na yun.. MALI..! Malaking malaki ang nawawala sayo at nasasayang na panahon..! Eh pano pala kung lalakad ka para tumaya ka sa lotto.. May nakasalubong kang itim na pusa di kana tumuloy.. Wala naman daw mawawala.. Sabi ng iba eh..? Eh pano pala yung numero mong tatayaan mo biglang lumabas.. Sinisi mo pa yung pusang walang kamalay malay sa buhay mo..! Tas interview mo may nakasalubong kang itim na pusa di kana rin tutuloy.. Eh pano pala kung yun na yung magandang oportunidad na hihihintay mo. sasabihin mo sa inaplayan mo "sir hindi ako pupunta may nakasalubong ako itim napusa" Hehehe.. Etong mga bagay na ito bunga ng katamaran at maling paniniwala.. Na di ko naman masisisi kasi namana natin ang ugaling ito sa mga kastila na pinamana sa atin ng ninuno natin.. Sila nga ang nag pa uso ng siesta eh..
-Tuwing tanghali.. Kaya karamihan inuubos ang oras sa panunuod ng t.v. Pag lalaro ng kung anu ano.. Etc. tapos ini iyakan mo yung bidang artista sa drama, na aaawa ka. Kasi ina api eh pag tapos nun mayaman pa rin yun.. Sa sarili mo di ka naawa.. Gets mo!! Marami marami tayong mga sablay na pag iisip na dapat itama.. O dapat isa isip bago gawin..
-Eto pang isa sa malupit din.. Makakain daw nang tatlong beses sa isang araw pasalamat sa dyos.. Dont get me wrong.. Di ko sinasabing wag ka mag pasalamat jan.. Dapat mag pasalamat ka.. Pero pero pero..!!..Wala naman sinabi si lord na pag sumobra sa tatlo masama na.. Pati pag hihirap mo sinisi mo pa sa dyos..! Eh ang gusto nga ni lord umasenso tayong lahat.. Pare parehas tayong tao at anak ng dyos..what ever relegion you are huh..!
-Hindi pwedeng sabihin ng dyos na. Ah eto mahirap 5k ka lang, ah eto di nakapag tapos 7k ka lang ah eto tapos 20k, ah eto pogi maganda 50k.. Eto eto eto...! NO!!! Pag humarap tayo sa harapan ng dyos pantay pantay tayo.. At ang tingin sa atin.. Pero pero pero.. ??!!
-Bakit may mayaman at mahirap,? bakit may masama at mabuti,? etchetera etchetera...!! Bakit? "because the good lord will always respect the descision that you will make.." Tandaan mo yan..! Desisyon mo yan.. At Ginagalang nang dyos ang desisyon mo.. Kasi bukod sa buhay. isa sa pinakamagandang biyayang ibinigay sa atin ng dyos alam mo kung ano yung isa.. "Free-will, kalayaang pumili o mag desisyon.." Sa kung anung buhay ang pupuntahan at pipiliin natin.. Kaya may mayaman at mahirap, may masama at mabuti., Its your choice.. Your descision.. Ikaw ang pipili at magdedesisyon.. At mag pa plano ng buhay mo..! At ginagalang ng dyos yan..kung anuman ang napili mo..!
-Eto pang isa.. Sabi kasi ng iba "Eto kasi ang kapalaran ko eto kasi ang itinadhana sa akin ng dyos." Eto opinyon ko to ah..! Very very wrong.. Sinisi mo pa ulit ang dyos sa kahirapan mo. eh nasabi ko nga kanina lang ang gusto ng dyos sa atin lahat umasenso..kaya di ako naniniwala sa salitang "kapalaran" tayo kasi ang gumagawa ng kapalaran natin.. Tayo ang nag pa plano, gumagawa, nag desisyon ng buhay natin,.Tayo ang arkitekto ng sarili nating buhay.. Hindi nanay mo, kapatid mo, kapit bahay mo, kaibigan mo, etc., tayo..! sarili natin.. Kaya mag ingat ka sa bawat mga desisyong gagawin mo..!!
-Eto malupit din sabi ng iba.. Eh ayaw kung yumaman..! "Masama kasi pag mayaman. ayaw ko ng madaming pera." Sakto na ako dito. Na minsan may madudukot pag malas wala.. WhattTt!!!! Masama daw pag mayaman.?
-Alam mo san nakuha ng tao ang idea na yan?? Dun sa panunuod ng mga t.v. Drama, puro ka emohan.!! at sa maling napaniwalaa at napakinggan.. Na apply sa totoong buhay. Kaya yun sabalay.. imbes na bigyan ng pansin at tutukan ang sariling pag papaunlad. iba ang tinutukan.. Resulta ayun hirap sa buhay..
-Bakit.? pansinin mo sa mga palabas lahat ng mayayaman kontrabida, masama ang role. Pag mahirap at ina api-api bida..? Ang resulta ang nangyari.. Inaplay sa totoong buhay. Ayun sablay.. Pansinin mo. yung iba di na gumagawa ng paraan para umasenso. Di na umaksyon. Takot maraming pera. Baka daw sumama sila kesyo masama. ganito ganyan etc. etc. .. Kaya tingnan mo ang daming mahihirap sa atin .. nilimitahan, nilason ang utak.. kaya minsan di rin maganda ang sobrang media eh na a adopt ng mga bata. tuma tattoo sa utak.. pansinin mo. din halos puro badnews lumalabas sa t.v bihira ang goodnews.. (Sa totoo lang may gusto akong ikwento jan about tech. And other media and many more stuff.. Sa research ko. Kaso wag na baka ma wirduhan ka sa akin hehehe.. ) ..
-Back to topic.. Sa totoo lang pag marami ka ngang pera mas marami kang matutulungan. na kapwa mo o sa pamilya mo na lang. tama..! Mamaya makikita mo..!
-Ang pera idea lang yan. Wala namang pera dati eh ginawa lang yan for better transaction at gumaan at mapadali ang pamumuhay..
-Anu ba kalakaran dati.? Balik tayo sa grade school hekasi subject ata yun eh hhehehe.. diba ang means of transaction dati. palitan lang.. Barter ba yun? Swaping ng gamit.. Gusto mo ng baboy ko, gusto ko ng gulay mo palit tayo.. Gusto mo ng ginto ko, gusto ko ng pilak mo palit tayo.. Ganun lang dati.. Kaya lang ginawa ang pera para mas mapadali at mapagaan ang palitan.. Panget naman diba "manong jan lang sa kanto eto bayad ko baboy.. Oh etong sukli mo itlog.. " Ang panget diba..Hahaha.. its just an idea..
-Eto pang sabi ng iba. "Pagnamatay ka ang yaman at pera di mo madadala sa langit.." Tama naman.. Eh hindi ka pa naman patay eh buhay kapa nasa planet earth kapa..!! Maling kasabihan din yan.. Gaya nga nang nabanggit ko kanina.. Pag may pera kang sobra o marami kang pera. Marami ka ding matutulungan. Sa paligid mo. Nasa tao yan kung paano gagamitin. "Pag sa masama ginamit , Magiging masama ang pera." , Pag sa kabutihan mabuti rin ang pera.. Ang pera neutral lang yan.. ..
-Anu bang ginagamit pinang babayad pambili ng pag kain diba pera,
-Anu bang kailangan pag mag Papatayo ng simbaham diba pera,
-Ano bang kailanagan pam patayo ng ampunan para sa mga batang lansanagan diba pera,
-Ano ba pinambili mo sa damit o mga gamit mo diba Pera, pinang 3hours mo kanina sa edsa taft diba pera hahaha joke..
-Ano bang pambayad sa ospital pag emergency sa pamilya o pampa opera diba pera, hindi ka nga aasikasuhin sa ospital hanggat wala kang perang pang down eh kahit nakikita na nila na nag hihingalo na ang tao eh.. Pati mga kakilala ko..
-Sa totoo lang pag marami kang pera mas marami kang matutulungan. Na kapwa mo o sa pamilya mo na lang. Iba pag may pera ka madaming magagawa lalo na pag emergency sa family may dudukutin ka. Di yung ikaw ang mandudukot hehehe..
-Sabi kasi sa atin ng mga ibang magagaling na tao. (yung iba lang ah na mali..!!) na may hawak na libro ng dyos.. "Money is the root of all evil daw" . Pero sila daming pera, anlalaki ng bahay.. May convoy pa yan.. Peace tayo ah..^^..
-Sa totoo lang wala namang nakalagay sa bible na ganun eh.. Meron ako natatandan isa verse sa bible eto oh.. "The love of money is the root of all evil" kapag minahal daw ng higit sa dyos at halos sambahin mo na.. Yun yung masama. sabi ko nga kanina pag sa masama ginamit masama. Pag sa kabutihan, mabuti din..anu babalik tayo paulit ulit !! Unli ka teh hehehe..!!
-Sa totoo nga may quotes akong nabasa mula sa isang kilalang tao.. Sabi nya ..
" The LACK of money is root of all evil" -mark twain- Tama nga sya ang kawalan daw ng pera ang syang ugat ng lahat ng kasamaan..tama..
-Bakit..? kaya nga may gumagawa ng masama eh. Kaya may nang Ho-holdap, mandurukot, gumagawa ng masama etc. kasi nga walang pera.. Kaya nakakagawa ng masama ang tao.. Kapit sa patalim ika nga.. Mag kapera lang makabili lang na ipapakain sa pamilya nila.. Malamnan lang ang kumakalam na sikmura ng mga mahal nila sa buhay.. Pero yung iba kinarir na.. Kahit kaya naman mag trabaho ng ayos gumagawa pa nun..
-Eto Sabi din kasi ng iba.. "Hindi mabibili ng pera ang kaligayahan ng tao.." Tama ka jan.. Pero madaming mabibiling bagay. Ang pera na ikakaligaya nang mga mahal mo sa buhay o sa kapwa mo..
-Example.. bilhan mo. nanay mo ng house and lot, or kotse, diba matutuwa magulang mo.. Oh wag na yun kahit munting regalo lang cake, mga damit ganun or maipasyal mo yung magulang mo.. Di naman dahil lang sa materyal na bagay eh.. Alam mo kung ano, yung makita mo lang silang masaya at naka ngiti sila ng dahil sayo.. sa mga naibigay mo sa kanila na sumaya o napangiti sila. walang katumbas na halaga..
-Baka ikaw studyante. puro sakit ng ulo binibigay mo sa magulang mo.. Puro ka dota. Gala kasama barkada inuman, Baka nga Pang date nyo ng jowa mo sa parents mo pa. allowance daw? sa pinag hirapan ng magulang din naman galing!!. Maganda may sarili ka..! di naman masama nag aaral may sariling kita ka din.. malaking tulong na din yun sa magulang mo. baon mo sagot mo na..!
-Oh ikaw baka magulang ka naman o may anak kana.. Kala mo lusot ka ah.. Ipapasyal mo yung anak mo sa mall nagturo ng laruan.. Di mo mabili kasi walang pera kapos.. Umiiyak na yung anak mo! Tapos sasabihan mo pa "bad yan anak..! Wag yan.!"Ang totoo wala ka lang pambili.. Gaano kasakit sa pakiramdam yun bilang magulang sayo. Na di mo maibigay yung gusto nang anak mo..
-Parang inasar mo pa ang anak mo. alam mo pa lang wala kang pera dadalin mo sa ganun.. ang mga bata pa naman kung anung makita gusto nyan makuha nya..tas sasabihan mo bad yan..! Wag yan..! Kaya tumatak sa utak ng paslit, bata pa lang mali na naipasok sa utak.. Kaya nadadala pag laki naipapamana din nila. Pag sila nag ka anak ganun din sasabihin nila... Grabeh..ako ata yun dati eh hehehe.. Malupit sakin may palo pa.. pero ok lang naiintindihan ko naman simula nung nagka isip ako na mahirap Kami eh..naiintindihan ko naman kalagayan namin dati.. Anyway... Highway....hallway.. Skyway.. Milky way.. Hehe.
-Sa pag aasawa naman tayo.. Eto eto na. Hahaha..Oh wag ka excited masyado walang usapang sex dito hahaha.. Rated G tayo.. Hahaha..May MTRCB hehehe. Ninang ko.. Sa pag aasawa hindi pwedeng puro bigayan ng salitang i love you.. Matatamis na salita.. Kiskisan ng braso mamaya.. Wahh alam nah.. Hehehe..
-Sa pag papamilya kailangan din pa din ng pera.. Kasi pag sikmura na ng pamilya kumalam.. At wala kang mapakain sa pamilya mo.. (Laging hot dog at itlog nanaman papakain mo hahaha joke... ) Ang pag ibig lumilipad sa bintana yan.. Kaya nga maraming pamilya ang nasisira pag ang asawa wala ng mapakain sa pamilya nya.. Di naman pwedeng..! "Tay nagugutom na kami nang mga anak mo" "ok lang yan anak importante sama sama tayo at mahal ko kayo.. I love you anak i love you honey" yari na.. diba pera pa din para mapakain mo pamilya mo..
-Eto pang sabi ng iba. Hindii baleng walang pera ang importante ''MASAYA".. Gising hoy.. Paano ka sasaya eh wala ka ngang pera wake up wake up...!!!
-Di ko sinabing magmuka, gahaman tayo sa pera. Isa sa pangunahing panga-
ngailangan ng tao yan. Bukod sa pananamit, bahay, pagkain, basic needs natin yun.. Money is next to oxygen ika nga. sa panahon natin ngayon di ka mabubuhay nang wala kang pera. Kung dati sa bundok o probinsya pwede ka mabuhay.. Dati yun panahon pa ng mga homo erectus.. Joke lang.. Panahon pa ng ninuno natin.. Mga panahong di pa ganun ang nagagawa ng pera.. kasi wala pang modern age.. Makabago na tayo ngayon.. 21st century na tayo ngayon.. Modern age na tayo..
-Kung gusto mo talagang umasenso. di lang sa financial sa pangkalahatan.. dapat Tama ang takbo ng isip mo.. Tama ang settings.. bakit pag mali eto..
-Di ba dami nga ang balita nag papakamatay sa sobrang stress. Walang pera, walang mapakain sa pamilya, puro problema.. Etc. sinayang ang buhay. Ay tanga.. Ang daming tao di kumpleto ang parte ng katawan, may mga sakit pinipilit mabuhay.. Tapos yung iba ma busted lang nag papakamamatay.. Ay ewan.. Kung gusto mong umasesenso dapat itama mo ang pag iisip mo.. Ayus.!
-Kung mahirap ang buhay ngayon, mas mahirap sa susunod pang mga taon..
-Gumising na tayo. Huwag na natin ipamana ang kahirapan sa mga susunod na henerasyon natin.. Sa susunod saling lahi natin. Putulin na natin ang pisi nang pag hihirap..
-Panahon na para guminhawa at Maranasan mo naman ang sarap at saya ng buhay at makuha ang mga pangarap.
-Hindi yung dumaan ka lang sa mundong ibabaw.. Kaya tayo nabuhay para e enjoy. Explore ang buhay..
-Hindi yung nabuhay ka para danasin ang hirap at pighati ng buhay.. Hehehe.. At ipamana pa sa hinaharap..
-Kumilos kana kapatid..di pa huli ang lahat tayo ang pumutol ng kahirapan.. Buohin natin o gumawa tayo ng makabagong pilipino... Na kayang kunin ang lahat nang pangarap..
-Ang pangarap mo. Pangarap ko din. ."lupa't bahay, kotse, savings, etc..!" di yan pangarap sa totoo lang..!! Karapatan mo yan bilang tao.. "Karapatan" mo yan na bago ka kunin ni lord makuha mo yan..
-Hindi naman ginawa ang mga yan para pangarapin lang para inggitin ka. ginawa yan para kunin at abutin.. Hindi yung makakaranas ka lang na makasakay sa kotse o yung pamilya mo. Yung sa tipong mabagal pa at may kurtina pa.. Wag mo hintayin yun..
-Alam mo yung ibon.. Bird.. Nakakita kana ba ng ibon lumilipad biglang bumagsak, namatay dahil sa gutom..? Wala pa naman eh bakit.. Bago nilikha ng dyos yan may nakalaan ng pag kain para sa kanya. Hahanapin na lang ng ibon.
-Sa tao ganun din yang mga pangarap mo ginawa na yan para sayo. Hahanap ka na lang ng paraan para makuha... "Wag tayong pastic." masama sa kalikasan yun hehehe joke.. Hindi kasi ako "impokreto" para sabihing hindi ko gusto ang mga bagay na yan. O hindi ko gusto ng maraming pera..
-Tanggalin muna natin ang pride natin sa katawan.. Pati yang pag dududa na yan.. At takot na yan.. Dahil yan ang isa sa mga pipigil sa atin para makuha ang pangarap natin sa buhay.. At ang success natin.. Yang mga @¥$*^#=tuuttttt..*^%# na yan..
-Ngayong nabasa mo ito. Sana nagising ko at nabuksan ko ang sarado mong kaisipan at puso..
-Hindi kasalanang ipinganak na mahirap, pero kasalanan ang mamatay na mahirap.. nanga-ngahulugan lang walang ginawang pagbabago..
--Pasensya na kung may mga nasabi akong di maganda o nakakasakit dito.. Bato bato sa langit ang tamaan masakit.. hehehe.. Ok lang yun.. Masakit man tanggapin ang katotohan minsan pero. Yun ang magpapalaya sa atin.. Para kumatok ang oportunidad ng bagong pag asa sa atin.. Maraming salamat sa oras na inilaan mo dito.. Godbless sa ating lahat...^^..
***NOTE*** Ang lahat ng nakasaad sa pahinang ito ay ayon lamang sa opinyon ng may akda. Maaring nagkaka iba iba tayo ng isipan, paniniwala at opinyon.. Subalit iisa tayo ng layunin yun ay ang makuha ang ating mga kanya kanyang pangarap sa buhay..
Bukas ang pahinang ito para sa malayang opinyon ng bawat isa...igalang ang opinyon..
-Maari mong basahin ang aking sunod na pahina tungkol sa
"PAANO BA UMASENSONG PINANSYAL..??"
add me in facebook..
Your friend to learning and unstoppable success Aries Cabatuando
0947-588-7179